|
" ANG BASTARDO " - ME LATEST SPARRING 01/30/2012
|
|
|
Quantity
|
Views
|
Date Posted
|
|
1
|
2297
|
Thu January 26, 2012
|
|
|
Asking Price
|
Condition
|
|
SOLD! (P 3,000.00)
|
Excellent
|
|
|
|

|
|
Description:
|
Para sa mga "MAKONG" na sabungero dyan, yung hindi lang "laban" ang hanap kungdi maayos at medyo me linaw na pagsusugal ang nasa isip kada maglalaban ng manok. Hindi panlalamang ang tawag dito kungdi ibinibigay mo lang ang tanging tulong sa manok mo sa pamamagitan ng paghanap ng kalaban na sa tingin mo ay kaya ng manok mo kapag naglaban na sa gradas.
Marami akong natutunan sa mga TAHOR at MAKONG na sabungero na aking mga nakasalamuha sa aking 27 taong pagsasabong. UNA SA LAHAT DITO AY ANG AKING TATA DOMENG NG RIZAL, NA KUNG TAWAGIN SA MGA SABUNGAN AY SI "DOMENG GULANG" NA NAMAYAPA NA AT NASA PILING NA NG ATING PANGINOON. Sa kanila ko natutunan na ang tanging maitutulong mo lang sa manok mo pagdating sa laban ay ipili ng kalaban na sa tingin mo ay kaya ng manok mo sa patamaan, sa tibay, at bugbugan. Pampalakas ng loob kung baga. Me talo bakit baga hindi, parehong me tari ito at me kili kili. Pero mas magaan sa loob na alam mong malaki ang pag asa ng manok mo sa laban na ito.
Ang kadahilanan ng aking mga tinuring na mga punto, ay nais kong ipagtanong kung sakaling me naghahanap sa inyo ng isang panlaban na sa aking tingin ay naangkop sa ganitong kategorya. Isang pangit na Manok na para sa mga bagitong sabungero, dahil sa unang tingin ay off color, maiigsi ang buntot, malaki ang ulo, ay yung mga klaseng nilalanggam sa ulutan. Wag lang nila titignan ang kulay ng mata at paa, maitatago mo ang dugong laman nito. Mukhang tagalog na binili lang sa TANGKAL, ngunit pag nakita mong sumabong at marining ang lakas ng palo, talino at paraan ng pagbato ng paa ay hindi mo iisipin na sa ganitong itsura ay oobra ng ganito.
Sa aming mga magkukumpare, ang tawag namin dito ay PANG GO TO MARKET.
--------------------------------
:::deskrpsyon:::
Ito si bastardo, pangit pakinggan ang tinuran ngunit di ba ito ang tawag sa isang inbidwal na hindi alam ang tunay na ama?... Me mga pagala akong mga de sagun na bulik sa aking manukan upang ikundisyon bago gamitin sa breeding. Isang PROVEN de sagun dom na inahin na galing sa aking ninong Joe ang nawala at ng lumitaw ay me akay nang 9 sisiw. Iba iba ang kulay, me dilaw, me pula at me nag iisang bulik. Hinayaan kong akayin nya ang mga ito hanggang pwede nang ilagay sa range. Lumabas ang bulik na ito na pangit, maiigsi at dikit ang balahibo sa katawan. Ngunit Pulang pula ang mata at ang paa ay manipis, at namumula palagi ang mga kaliskis at mga daliri. Pinalugon ko sya bilang Bullstag. At eto na sya ngayon. Sa makakakursunada lamang. Walang pilitan.
------------------------------
::: ating ibitaw. Kanino? bilang pagpapatunay,
ibibitaw natin siya sa isang GE MAPALAD na broodbullstag na gamit ng aking ama, at sa isang 1 time derby winner 2.3kgs na boston roundhead na kabibili lang sa site. Mas malalaki sa kanya at mas mauuri. KAYO ANG MAG ANALISA kung tama ba ang aking mga naging obserbasyon.
ETO KABITAW NYA. KABIBILI LANG NG 6K. TEAM A KO SANA PARA SA CF GLOBAL 4 COCK SA SAN JUAN.
http://fowls4sale.com/classifieds/showproduct.php/product/5281
PANOORIN NYO MUNA KUNG PAPANO MAMALO ITONG SI BRETHENEL. I WAS TOLD THAT THIS IS AN IMPORTED SWEATER MCLEAN. 2.280KGS. BAGO NYO PANOORING ANG SPARRING NILA.
SPARRING NILA
01/30/2012
http://www.youtube.com/watch?v=iKjDPfBoGUw
http://www.youtube.com/watch?v=5EFinLoAIkc
--------------------------------------
WARHORSE
09273748676




|
|
Keywords:
|
WARHORSE
|
|
|
Registered: July 2008
Location: Pateros Metro Manila